Walang inisyuhan ang ahensya ng Department of Environment and Natural Resources sa mga nagnenegosyo ng uling sa bayan ng Calasiao kung kaya’t mahigpit ang pagbabantay ng MENRO sa kung sino mang magtatangkang mag-operate ng pagawaan ng uling sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa MENRO Calasiao, DENR ang nag-iisyu ng permit sa mga maaaring gumawa ng uling sa bayan ngunit ni-isa sa mga nagnenegosyo nito ay hindi napagbigyan ng permit.
Mahigpit ngayon ang pagbabawal at monitoring ng tanggapan ng MENRO sa mga nagbabalak na magbenta ng uling lalo na sa mga barangay na dati nang gumagawa ng uling.
Ngayong taon, tatlong pagawaan ng uling ang ipinasara ng lokal na pamahalaan kung saan wala namang mga permit na inisyu mula sa DENR para mag-operate. |ifmnews
Facebook Comments