COTABATO – Patuloy ngayon ang ginagawang paghahanda ng Department of Education sa North Cotabato para sa full implementation ng Enhanced Basic Education o ng K to 12 program sa sistema ng edukasyon sa bansa.Isa kasi ang kahandaan ng Department of Education sa mga pangunahing kinukwestyon sa usapin ng pagpapatupad ng nabanggit na programa.Sa June 2016, sisimulan ng ipatupad ang grade 11 sa mga eskwelahan na bahagi ng Senior High School Level.Kaugnay nito, nagpapatuloy ngayon ang hiring ng mga guro na siyang magtuturo sa pagsisimula ng Senior High School para sa School Year 2016-2017.Ayon kay Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas, nagpapatuloy ang interview at demonstartion teaching sa mga aplikante sa anim na mga venue sa North Cotabato.Sa ngayon, wala pang bilang kung ilan ang tatanggaping mga guro ngunit tiniyak ni Obas na sapat ang mga guro ngayong darating na Hunyo.May kanya-kanya namang qualifications para sa gustong mag apply sa nasabing programa ng DepEd. Naka depende ito sa kung anong track ang papasukan ng aplikante.Isa sa mga halimbawa dito ay ang technical and Vocational Track kung saan kailangan namang naka graduate ng NC II ang aplikante. Maari rin nilang piliin ang academic track.
Dep Ed North Cotabato Naghahanda Sa Full Implementation Ng K To 12 Program
Facebook Comments