DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION 1, MAY INIHAHANDANG FUEL SUBSIDY SA SEKTOR NG AGRIKULTURA NA APEKTADO NG TAAS PRESYO NG PETROLYO

Apektado rin ngayong panahon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado hindi lamang ng mga motorista kundi maging sa sektor ng agrikultura gaya ng mga mangingisda at magsasaka.
Pahirapan umano para sa kanila dahil sa kaunting kita ay malaki ang nababawas sa kanilang pang araw araw ang sunod sunod na linggong taas presyo.
Ayon sa pamunuan ng Department of Region 1 na patuloy nilang inihahanda ang guidelines para sa fuel subsidy para sa magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng taas presyo ng petrolyo.

Sinabi ni DA Region 1 Regional Director Nestor Domenden na nakikipag ugnayan na sila sa mga magsasaka at mangingisda sa Rehiyon habang hinihintay nila ang guidelines para sa tulong na ibibigay ng gobyerno para sa mga gumagamit ng krudo tulad sa pagsasaka at pangingisda. | ifmnews
Facebook Comments