MGA GASOLINAHAN SA SAN FERNANDO CITY, ININSPEKSYON

Nagsagawa ng spot inspection ang City Treasury Office ng San Fernando City sa mga gasoline stations upang mabantayan ang mga karapatan ng mga motorista dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Kahapon, ika- 8 ng Marso nagkaroon ng 3-5 pesos na oil price hike.

Nag-ikot ang CTO sa mga gasolinahan at siniyasat ang mga kalibrasyon ng gas stations nang matiyak na tama ang mga sukat ng bawat patak ng petrolyong binibili ng publiko.

Samantala, magpapatuloy ang kaliwat kanang inspeksyon ng lokal na pamahalaan sa mga gasolinahan sa lungsod upang maibsan ang suliraning kinakaharap dahil sa taas presyo ng produktong petrolyo. | ifmnews

Facebook Comments