Department of Agriculture, sumulat sa uk para sa clinical trial ng bakuna laban sa ASF

Sumulat na ang Department of Agriculture (DA) sa Pirbright Institute sa United Kingdom para sumali sa clinical trial ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, itinuturing nilang tagumpay para sa swine industry ang pagkakaroon ng vaccine kontra ASF.

Aniya, handa ang ahensya na gumastos para pondohan ang pagkuha sa nasabing bakuna.


Batay sa pahayag ng Pirbright Institute, nasa 100 porsyento ang immunization konta ASF ng mga baboy na sumalang sa trial.

May kakayahan anilang maglabas ang viral protein ang bakuna na humaharang sa ASF infection.

Tinatayang 286,000 o katumbas ng 2.2 percent ng kabuuang populasyon ng baboy sa bansa ang pinatay para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa bansa.

Facebook Comments