Department of Education, itutuloy ang tuloy ang gagawing drug test sa mga estudyante, guro at mga personnel

Manila, Philippines – Tuloy ang gagawing drug test sa mga estudyante, guro at mga personnel ngayong taon ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, random drug testing ang gagawin sa mga estudyante habang mandatory drug testing naman sa mga teachers at DepEd personnel.

Aniya, ang nasabing drug testing ay bahagi ng pakikiisa ng DepEd sa ginagawang pagsugpo laban sa iligal na droga ni Pangulong Duterte.


Kabilang aniya sa sasailalim sa drug test ang mga estudyante mula sa elementary at secondary school gayundin ang mga guro at mga DepEd personnel mula sa central, regional at division office.

Sakaling magpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang isang estudyante, magsasagawa ang ahensya ng psycho-social intervention o kaya ay ang pag -admit sa isang drug rehabilitation center depende sa degree na adiksyon ng bata.

Ikukonsidera naman aniya ng ahensya ang awtomatikong dismissal sa serbisyo kung guro ay DepEd personnel ang mag-positibo sa ilegal na droga.

Facebook Comments