Manila, Philippines – Tumaas na ang konsumo ng kuryente sa Luzon.
Sa tala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naitala ang
pikamataas na konsumo ngayong taon nitong Marso 24 kung saan pumalo ito sa
higit 9,000 megawatts sa Luzon grid.
Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza – nakabantay sila sa darating
na may 13 hanggang 19 kung saan ito ang mga araw kung saan mataas ang
konsumo ng kuryente sa Luzon.
Sinabi naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga – para makatipid sa
kuryente ay gamitin ang mobile app ng Meralco na ‘appliance calculator’.
Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na walang rotational brownout
na magaganap ngayong summer.
Sa monitoring ng ahensya sa Luzon Field Office, mayroong 1,500 megawatts
reserve sa Luzon area.