Department of Energy, tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente sa Undas

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy na walang mararanasang brownout ang publiko sa araw ng Undas.

Ito’y sa kabila ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon Grid.

Paliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi nagkaproblema ang Pagbilao-Tayabas Transmission Line kaya pansamantalang nawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Luzon.


Pero iginiit ng kalihim na walang dapat ipangamba ang publiko sa araw ng mga patay dahil isolated case lamang ang nangyaring power outage.

Nanatiling maayos ang kundisyon ng iba pang linya ng kuryente.

Facebook Comments