Special permits para sa mga bibiyaheng bus ngayong Undas, pinoproseso na ng LTFRB

Manila, Philippines – Ipinoproseso na ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang mga special permits para sa mga bus na bibiyahe sa nalalapit na Undas.

Sa datos ng LTFRB, mula Oktubre 2 hanggang 13 ay higit 400 application na ang kanilang natanggap mula sa mga kumpanya ng bus na naghain ng petisyon para sa special permit.

Pinakamarami ang nag-request ng permit para bumiyahe sa hilagang Luzon, kasunod nito ang southern Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.


Ang nasabing permit na ipagkakaloob ng LTFRB ay epektibo mula October 30 hanggang November 3 para sapat na maserbisyuhan ang mga uuwi at babalik.

Facebook Comments