Presyo ng produktong petrolyo, tataas ngayong linggo!

Manila, Philippines – May pagtaas muli sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Aabot sa 50 hanggang 60 sentimos ang itataas sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Nasa 30 hanggang 40 centavos naman ang idadagdag sa presyo ng diesel.


Ayon sa Energy Department, pwede pang magbago ang halaga ng mga produktong petrolyo, depende sa trading activities nitong Biyernes na malalaman ito bukas.

Facebook Comments