May plano na ang Finance Department para mapagkunan ng pondo sa ‘Build, Build, Build Program’ sa ilalim ng Marcos government.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na may commitment na silang pondohan ang infrastructure project ng Marcos administration na huhugutin nila sa bahagi ng growth domestic product o GDP.
Aniya, lima hanggang anim na porsiyento ng GDP ang kukunin nila para sa Build, Build, Build sa pagitan ng 2023 hanggang 2028 na siyang huling taon ng Marcos Administration.
Sinabi pa ni Diokno na kung ikukumpara ang government spending sa infrastructure 50 taon bago ang Duterte Administration ay lumalabas na nasa dalawang porsiyento lamang ang nailaan sa imprastraktura.
Inaasahang magsisimulang umarangkada ang Build, Build, Build ng BBM administration sa 2023 at mababalangkas ngayong taon ang pondo na ang gagawa ay mismong Marcos administration.