Manila, Philippines – Dumepensa ang Department of Foreign Affairs sa inilabas na chairman statement sa katatapos na ASEAN Leaders’ Summit.
Nabatid na maraming maritime experts at analysts ang nagpahayag ng pagkadismaya sa umano’y “watered down” statement dahil walang direktang pagbanggit sa arbitral ruling kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, pinagtitibay ng chairman’s statement ng ASEAN summit sa Pilipinas ang ganap na pagrespeto sa legal and diplomatic processes kabilang na ang mga nakasaad sa UN charter at sa 1982 UNCLOS.
At bahagi ito anya ng core principle sa ASEAN community building.
Sa inilabas na chairman’s statement, nabanggit lamang ang umano’y ‘concern’ ng mga leaders sa mga pinakabagong developments sa rehiyon at iginiit ang kahalagahang mapanatili ang kapayapaan, katatagan, seguridad at freedom of navigation and over-flight sa WPS.
DZXL558