Anak ni PNP Chief Bato Dela Rosa na si Rock, pumasok na sa Philippine National Police Academy

235

Manila, Philippines – Pumasok na sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ang nag-iisang anak ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na si Rock.

Sa kaniyang facebook post, pansamantalang nagpaalam si Rock sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil apat na taon anyang hindi muna sila magkakausap dahil bawal ang cellphone at iba pang gadget habang sumasailalim sa training.


Nagtapos sa kursong Business Administration si Rock pero mas pinili nitong sundan ang yapak ng kanyang ama dahil gusto niyang makatulong sa bansa at dahil na rin sa paghanga nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Bato sa pagpasok ng kanyang anak sa PNPA dahil maaari anyang hindi nito kayanin ang buhay sa loob ng academy.

DZXL558

Facebook Comments