MANILA – Hinikayat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III ang publiko at media na tutukan ang pagdinig bukas kaugnay sa drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).Sa press conference ng DOJ, iginiit nito na pananagutin nila ang mga nangungunsinte para lumaganap ang operasyon ng iligal na droga sa NBP.Sa interview ng RMN, tiniyak ni House Committee On Justice Chairman Cong. Reynaldo Umali na magiging patas ang kanilang pagdinig bukas.Aniya, kahit ‘sister’ niya si Senador Leila De Lima sa Lambda Rho Sigma Sorority ng San Beda College of Law ay hindi niya ito po-protektahan.Una nang nagmatigas si De Lima at sinabing hindi ito dadalo sa congressional inquiry at hindi rin ito magpapadala ng sinumang representative niya.Aniya, hindi niya kinikilala ang nasabing inquiry dahil walang ibang motibo nito kung hindi sirain ang kaniyang pagkatao.Samantala… Nilinaw naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi naman mandatory na dapat dumalo ang senadora sa gagawin nilang inquiry.
Department Of Justice, Nanawagang Tutukan Ng Publiko Ang Congressional Inquiry Sa Drug Trade Sa New Bilibid Prisons
Facebook Comments