MANILA – Makakatanggap ng karagdagang 30 porsyento sa hourly rate sa unang walong oras na duty ang lahat ng mga magtatrabaho sa araw ng halalan.Ayon sa Department of Labor ang Employment, alinsunod ito sa proclamation no. 1254 na inilabas ni Pangulong Noynoy Aquino noong Abril 25.Makakatanggap naman ng dagdag 50 porsyento sa kanilang daily rate ang mga empleyado na saktong tumama ang araw ng pahinga sa araw ng halalan.Matatandaan na idineklara ni Pangulong Aquino ang May 9 election bilang isang Special Non-Working Holiday.
Facebook Comments