Junket Operator Na Si Kim Wong, Muling Nagsauli Ng 250 Million Pesos Sa Amlc

12

MANILA – Muling nagbalik ng karagdagang 250-milyong piso sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang junket operator na si Kim Wong, kahapon.Ayon kay Wong, ang pera ay bahagi ng 450-milyong pisong ibinayad sa kanya ng chinese national na si Gao Shuhua na noo’y nangutang sa kanya nang matalo sa casino.Muli namang iginiit ni wong na hindi niya alam na ang ibinayad sa kanya ni Gao ay bahagi ng 81-million dollar na ninakaw sa Bank of Bangladesh.Una rito, nagbalik na ng 4.6-milyong dolyar si wong noong March 31,38.28-milyong piso noong April 4 at 200-milyong piso naman noong April 19.Aniya, ito na ang huling halaga na kanyang ibabalik alinsunod sa ipinangako niya sa Senado.Samantala, mananatili naman sa vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang perang ibinalik ni Wong hanggang sa payagan ng korte na maibalik ito sa Bangladesh.

Facebook Comments