Department of Transportation, planong magtayo ng lighthouse sa Palawan at Tawi-Tawi

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang kanilang plano na magpatayo ng mga lighthouses sa Palawan, Tawi-Tawi at bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na malapit sa Sabah, Indonesia.

sa isang press conference sa Pasay City bilang bahagi ng ASEAN summit, sinabi ni Tugade makakatulong ang mga lighthouse sa mga naglalayag na barko sa naturang mga ruta.

Plano rin ng DOTr na limitahan ang bilis ng mga naglalayag sa naturang lugar para maiwasan ang aksidente sa karagatan.


Dagdag ng kalihim, magde-deploy rin sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa naturang mga lugar para bantayan ang teritoryo ng Pilipinas.

Facebook Comments