Department of Transportation, tiniyak na gagaan ang biyahe ng publiko mula Cavite hanggang Metro Manila

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Transportation na gagaan ang biyahe ng publiko mula Cavite hanggang Metro Manila at vice versa.

Ito ay kapag natapos na ang walong bagong istasyon ng LTR-1 o Cavite Extension Project na may habang 11.5 kilometers.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade – mula sa dalawang oras, magiging 40 minuto na lang ang magiging biyahe mula Cavite hanggang Maynila.


Malaking tulong din aniya ito para mabawasan ang malalang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Taong 2021 inaasahang matatapos ang naturang proyekto.

DZXL558

Facebook Comments