Department order na nagbabawal sa pagdaan ng mga tricycle at pedicab sa mga national road sa bansa, mas paiigtingin

Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas na napapanahon na upang higpitan ang pagpatutupad ng Department Order 2011-69 ng DILG at DOTC kung saan inaatasan ang lahat ng mga gobernador at mayor sa buong bansa na mahigpit na ipinagbabawal na dumaan ang mga tricycle at pedicab sa mga National Road sa Pilipinas.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez mayroon ng kautusan ang DILG at DOTC noon na nagbabawal na dumaan sa mga main roads ang mga tricycle at pedicab pero ito ay napabayaan ng mga pinuno ng Local Government Unit dahil wala umanong political will ang mga alkalde at gobernador sa Pilipinas kayat nagkaroon tuloy ng matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila at sa mga karatig bansa.

Paliwanag ni Marquez dapat i-regulate ng LGU ang prangkisa ng mga tricycle kung saan dapat ang kanilang mga ruta.


Dismayado si Marquez sa inaasal ng mga tricycle at pedicab driver sa lansangan na mistulang naghari-harian sa kalsada.

Giit ni Marquez kung hindi pagtutuunan ng pansin ng mga alkalde at gobernador ang naturang kautusan posibleng umanong lumala pa ang matinding trapiko na nararanasan sa bansa.
Nation

Facebook Comments