
Inaanyayahan ng Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) ang publiko na magbigay ng kanilang feedback kaugnay sa binabalangkas na Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028 Midterm Update.
Tinukoy ng DEPDev ang karagdagang bahagi ng PDP na maaaring magkomento ang publiko.
Tulad ng pagpapalakas sa kalusugan, pagtatatag ng matitirahang komunidad, pagpapalakas ng proteksyong panglipunan at practice good governance and improve bureaucratic efficiency.
Maaaring magtungo sa DepDev website:
www.depdev.gov.ph
Tiniyak ng DepDev na makatutulong ang mga komento ng publiko sa upang masiguro na alinsunod ito sa layunin ng bansa na tumutugon sa mga hamon ng kasalukuyan.
Ang Philippine Development Plan 2023 to 2028 ay isang pagsusulong ng socio-economic transformation para sa paglago ng ekonomiya, human capital development, digitalization, innovation, infrastructure, at social services.
Hanggang bukas ng alas-6:00 ng gabi na lamang maaaring mag sumite ng inyong mga komento.









