
Naipa-deport na ang nasa mahigit 100 foreign national pabalik sa mga bansang kani-kanilang bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), aabot sa 115 foreign nationals ang ipina-deport kabilang na dito ang mga illegal alien at Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers.
Sila ay naaresto sa mga sinalakay na POGO hub ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) dahil sa kawalan ng working permit at proper documentation sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry.
Ito na rin ang ika-6 na batch ng deportation sa mga illegal POGO worker kung saan karamihan sa kanila ay mga Vietnamese.
Matatandaang nilansag ng gobyerno at tuluyan nang ipinagbawal ang POGO sa bansa dahil sa mga criminal syndicates, cybercrime, at human trafficking na kinasasangkutan ng naturang mga dayuhan.