DepEd-Aklan, nangangailangan ng guro at silid-aralan sa probinsya

Aklan, Philippines – Nangangailangan ngayon ang Department of Education (DepEd) ng mas maraming guro at silid aralan sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa DepEd Aklan, sa kabila ng pagkaroon ng kapos na bilang lalo na sa mga guro ay nakahanda parin ang kanilang opisina sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo lalo na sa ipinapatupad na programa ng DepEd na K to 12.

Sa 116 na public at private na paaralan sa probinsya na nagbibigay ng Senior High School, 75 ang public schools dito.


Kaugnay nito, ongoing na ang konstruksyon sa ginagawang classroom ng senior high school kung saan inaasahan na kaya nitong mag-accomodate ng 19,000 na mga estudyante na papasok sa Grade 11 at 12 ngayong taon.

Sa kasalukuyan, ang DepEd ay may inilaang 267 slots na para sa mga guro sa senior high school at inaasahan na mapunan ito ngayong taon.
DZXL558

Facebook Comments