Lokal na pamahalaan sa lungsod ng Cebu, magpapadala ng tulong sa Marawi City

Cebu City – Isang milyong pisong halaga ng mga bigas ang itutulong ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng Cebu para sa mga pamilya na apektado ng bakbakan sa Marawi City.

Ipinangako ito ni Cebu City Mayor Tomas OsmeƱa nang makipagmiting ito sa mga lokal na Muslim leaders sa lungsod.

Kukunin ang isang milyong pisong pondo mula sa disaster fund ng Cebu City Hall na idadaan naman sa National Food Authority para sa mga bigas na donasyon.
DZXL558


Facebook Comments