Muling pinarangalan ng Red Orchid Award ang Department of Education ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Itoy bilang pagtugon sa malawakang kampanya ni Presidente Rody Duterte at ng Department of Health katuwang ang World Health Organization para isulong ang 100% Tobacco -Free Environment .
Maituturing na kabilang na sa Hall of Famer ang DepEd ARMM bunsod sa 3 consecutive year na kinilala ng DOH alinsunod sa World Health Organization MPOWER initiative o : “ Monitor tobacco control policies; Protect people from tobacco smoke; Offer help to quit tobacco use; Warn against the dangers of tobacco; Enforce bans on tobacco advertising; and, Raise taxes on tobacco”.
Lubos naman ang pasasalamat ni DepEd Armm Secretary John Magno sa Red Orchid Award kasabay ng kagalakan sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa departamento na nakiisa sa kanilang adbokasiya. Nagpaabot na rin ng pagsaludo si ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia sa pamunuan ng Dep Ed ARMM .
Samantala maliban sa Deped ARMM patuloy ang pagsisikap ng ARMM Government na tuluyang maging smoke free na ang lahat ng kanilang tanggapan at lahat ng mga LGUs.