DepEd at DOH, Magsasagawa ng pagbabakuna sa mga mag-aaral ng Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Nagsimula na ang Cauayan City Division School sa pagsasagawa ng Information Dissemination sa mga paaralan dito sa lungsod ng Cauayan upang makausap at maipaliwanag sa mga magulang ng mga mag-aaral ang kanilang isasagawang School based Imunization Program o pagbabakuna sa mga estudyante.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Dr. George Madriaga, ang medical officer ng DepEd City Division School ng Cauayan, layunin ng kanilang pagbabakuna sa mga mag-aaral mula grade 1 hanggang grade 7 ay upang makatulong na mapalakas ang resistensya ng mga ito para makaiwas sa mga napapanahong sakit gaya ng tigdas.

Naging maayos naman umano ang kanilang unang koordinasyon sa mga magulang subalit hirap pa rin umano ang Department Of Health (DOH) na magpaliwanag sa ibang mga magulang dahil na rin sa mga naitalang kaso ng Dengvaxia na ikinasawi noon ng maraming bata kaya’t humingi umano sila ng tulong sa mga DepEd schools upang ipaliwanag ang layunin ng kanilang programa.


Kaugnay nito ay siniguro naman ni Dr. Madriaga na ligtas ang kanilang bakuna sa mga bata dahil handa umano nitong isakripisyo ang kanyang lisensya kung hindi man ligtas ang kanilang pagbabakuna.

Facebook Comments