Bataan, Philippines – Pinangunahan ng City at Provincial Offices ng Department of Education sa Bataan at ng Girl Scout of the Philippines Bataan Council ang “paghihimlay ng mga lumang pambansang watawat” sa isang pormal na seremonya nitong Miyerkules sa Camp Cirilo Tolentino sa Balanga City.
Pinamunuan ito nila Estrella Dela Rosa, GSP Council President , Jesse Ferrer, Bataan Schools Division Superintendent at Carolina Sugpatan Balanga City Schools Division Superintendent kasama ang mga guro, principal at mga Girl Scouts mula sa labing isang bayan at isang syudad ng Bataan.
Layon ng naturang seremonya na imulat ang mga kabataan sa kahalagahan ng pagrespeto sa pambansang watawat bilang bahagi ng pagiging makabayan at pagmamahal sa bansang Pilipinas.
Matapos sunugin ay inilibing o ibinaon ang abo ng mga sinunog na watawat sa itinalagang himlayan nito sa loob ng naturang kampo.