“Tao lamang kami, nagkakamali”
Ito ang iginiit ng Department of Education (DepEd) kasunod ng pagkwestyon ng Commission On Audit (COA) sa 254 Million pesos na halaga ng textbook at learning materials na may daan-daang errors.
Base sa COA report, napansin ang mga mali sa mga libro sa kabila ng three-step review process ng ahensya.
Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, maaring matukoy ng mga guro at i-wasto ang anumang “typographical” errors na makikita sa mga libro na kanilang ginagamit.
Para naman kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, ang mga ‘error’ ay maaring bahagi lamang ng ‘semantics’ at ‘editorial.’
Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) National Chairperson Jocelyn Martines, ang mga guro ang magpupuna sa pagkukulang ng mga libro.
Kinuwestyon naman ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang mga libro na lumusot sa pagsusuri ng DepEd.
Aniya, paiimbestigahan nila ito sa Kamara at papanagutin ang mga dawit dito.
Samantala, magsasagawa ang Senado ng pagdinig ngayong araw kaugnay dito.