DepEd, iginiit na walang face-to-face classes na ipatutupad sa lahat ng paaralan ng bansa ngayong pasukan

Muling iginiit ng Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) na walang face-to-face classes na ipatutupad sa lahat ng paaralan ng bansa.

Ito ang naging pahayag niya matapos imungkahi sa Senado ni Senator Francis Tolentino na magkaroon ng face-to-face classes sa mga lugar o region ng bansa na mababa o walang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Briones, ang Pangulo ang nagdesisyon na ‘no face-to-face’ classes para sa School Year 2020-2021 kaya dapat aniya sundin ito.


Alam ng Kagawaran na may mga lugar o region sa bansa na low-risk na sa COVID-19, pero bilang pag-iingat dapat sundin kung ano ang makakabuti para sa mga guro at mag-aaral.

Una nang sinabi ni Briones na ang kaligtasan at kalusugan ng mga guro, manggagawa ng DepEd, estudyante at mga magulang ang unang isinaalang-alang sa lahat ng mga hakbang ng kagawaran kaugnay sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020.

Aniya, tanging ang Presidente at ang Inter-Agency Task Force (IATF) ang makakapagsabi kung magkakaroon ng face-to-face classes sa ilang lugar ng bansa ngayong pasukan.

Facebook Comments