DepEd, iimbestigahan ang nangyaring anomalya sa pagsasagawa ng Basic Education Exit Assessment

Manila, Philippines – Tiniyak ni DepEd Secretary Leonor Briones na mapaparusahan ang sinumang mapapatunayang nagpakalat ng sagot sa pamamagitan ng pagmarka ng sagot sa isinagawang Basic Education Exit Assessment (BEEA) noong nakaraang February 13 at 14.

Muling iginiit ng DepEd reiterates na sa ilalim ng Section 13 (Breach of Security in National Examinations and Corresponding Sanctions) ng DepEd Order No. 55, series 2016 (Policy Guidelines on the National Assessment of Student Learning for the K to 12 Basic Education Program), ang seguridad at integridad ng test materials ay dapat masusunod sa buong proseso ng test administration.

Sa ginanap na Presscon sa DepEd Manila, ipinaliwanag ni Briones na kabilang sa mga paglabag na mahigpit na ipinagbabawal ay ang pagkuha ng larawan ng test items sapamamagitan ng paggamit ng electronic gadgets, at pagpapakalat at paglathala ng test booklet sa social media.


Giit ng kalihim, alam na nila kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng naturang test items pero hindi muna nila ihahayag sa Medua dahil kumakalat pa sila ng mga matitibay na ebidensiya upang lalong madiin ang nasa likod ng naturang anomalya.

Facebook Comments