DepEd inirekumenda ang muling pagbubukas ng klase sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalboroto ng Taal

Inirekumenda ni Education Sec Leonor Briones ang muling pagbubukas ng klase sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa darating na Lunes, Feb. 3.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Secretary Briones na magiging limitado lamang ang pag-babalik eskwela sa mga paaralang hindi na ginagamit bilang evacuation center.

Sa datos ng DepEd as of January 26, 2020 nasa 328 schools o katumbas ng 3,083 classrooms ang kasalukuyan paring nagsisilbi bilang evacuation center parikular na sa Batangas, Cavite, Laguna, Lipa, San Pablo city at Tanauan city.


Paliwanag pa ni Briones, nakadepende parin sa Local Government Units (LGUs) kung papayagang makapag klaseng muli sa isang lugar habang sa mga pribadong paaralan ay discretion na aniya ito ng school management.

Ang mahalaga ayon kay Briones ay hindi mababawasan o magkukulang ang ipinapasok ng mga estudyante base sa Number of School Calender at maaari naman itong makumpleto sa pamamagitan nang pagsasagawa ng make-up class kada Sabado.

Facebook Comments