DepEd, kukuha ng mahigit 400,000 na tutors

Target ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng mahigit 440,000 tutors sa buong bansa, kabilang ang mga mula sa DepEd at mga non-DepEd personnel.

Ayon sa DepEd, layon nito na mabawasan ang pag-overtime ng mga guro, at mapagaan ang kanilang workload sa paaralan.

Inihayag ng DepEd na aabot sa humigit-kumulang 6.7 milyong mag-aaral ang maseserbisyuhan sa kanilang pagkuha ng tutors.

Tiniyak din ng Education Department na sa mas mataas na pondo ng departamento ngayong taon, masusuportahan ang pagpapalakas ng training ng tutors na nakaangkla sa literacy standards, mas maayos na learning materials, at mas matibay na monitoring at evaluation systems.

Kabilang dito ang pagsubaybay sa learners sa pamamagitan ng Learner Information System.

Facebook Comments