Magsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng Early Registration para sa School Year 2021-2022 ngayong buwan.
Ayon kay Education Undersecretary for Planning, Human Resource and Organizational Development and Field Operations Jesus Mateo, ang original schedule ng Early Registration ay Enero pero hindi ito natuloy dahil nagbago ang school calendar.
Ang tentative schedule para rito ay gagawin ngayong buwan.
Sinabi ni Mateo na ang enrollment ay hindi palagi nakadepende sa kagawaran, dahil minsan ay ang mga magulang ang nagpapasya kung kailan nila i-e-enroll ang kanilang anak sa eskwela.
Pero sinabi naman ni Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang target schedule para sa Early Registration ay sa Abril.
Ang Early Registration ay compulsory para sa public schools habang optional sa private schools.