DepEd, naglabas na ng panuntunan para sa pagbibigay ng assessment at grado sa mga mag-aaral ngayong pasukan

Inilatag na ang pansamantalang panuntunan ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa pagbibigay ng mga guro ng assessment at grado para sa mga mag-aaral ngayong pasukan.

Layunin ng DepEd Order no. 31, series of 2020 na gabayan ang mga guro sa pagbibigay assessment at grado sa mga batang mag-aaral ngayong School Year (SY) 2020-2021 alinsunod na rin sa Basic Education Continuity Plan ng kagawaran.

Nakasaad din dito ang paghahati ng assessment para sa bawat subject mula Grade 1 hanggang Grade 12.


Bilang pagtugon ng kagawaran ng new normal ng education system sa bansa, kailangan ang assessment ay holistic at kapani-paniwala upang masukat ang most essential learning competency (MELC) ng bata, kung saan kabilang dito ang knowledge, understanding, skills at attitudes.

Ang naturang panuntunan ay hindi lang sa pampublikong paaralan ipatutupad, kabilang na rin dito ang mga private school, technical and vocational institutions, higher education institutions na nag-o-offer ng K-to-12, pero maaari itong i-modify ng mga pribadong paaralan.

Facebook Comments