Higit P179,000 na halaga ng shabu, nasabat buy bust sa Muntinlupa

40

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng Muntinlupa, matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Ralston Bryan Calpito Quebeda, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lugar.

Nakula mula sa kanya ang 25.5 grams ng umano’y shabu at may katumbas na halagang P173,400.

Ginawa ang nasabing opreasyon pasado alas-3:55 ng hapon kahapon matapos makumpirmang nagbebenta ng ilegal na droga ang suspek sa lugar kung saan ito nakatira.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments