DepEd, naglabas ng paglilinaw hinggil sa inilabas na DepEd Order # 49

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na papayagan pa rin ang pagbibigay ng “classroom instructions” sa social media.

Kasunod ito sa ilang pahayag na labag umano sa karapatan sa malayang pananalita ang bagong labas na Department Order (DO) No. 49 ng ahensya, kung saan pinaiiwas ang mga guro at school personnel na magkaroon ng interaksyon sa mga estudyante sa labas ng paaralan kabilang ang pag-follow sa social media.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ang naturang DO ay paraan umano para maiwasan ang “very personal relationship” ng mga guro at mga mag-aaral.


Dagdag pa ni Poa, walang utos din para sa mga guro na i-unfollow o i-unfriend ang kanilang mga estudyante sa social media.

Matatandaang, pinalagan ni House Deputy Minority Leader at ACT Party-list representative France Castro ang naturang DO dahil aniya pinipigilan ng DepEd na gamitin ang malayang pamamahayag at ilabas ang sentimyento ng mga guro at estudyante.

Facebook Comments