Kinatawan ng United Senior Citizen Party-list, pormal nang nanumpa sa Kamara

Umakyat na sa 312 ang kasalukuyang bilang ng miyembro ng House of Representatives.

Kasunod ito ng panunumpa ngayong hapon ni Rep. Milagros Aquino-Magsaysay bilang kinatawan ng United Senior Citizen Party-list.

Isinagawa ang panunumpa matapos matanggap ng Mabahang Kapulungan ang Certificate of Proclamation mula Commission on Elections (Comelec) para kay Aquino-Magsaysay.


Ang panunumpa ay pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez kasama si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ang United Senior Citizen Party-list ay kasama sa 56 Party-list group na nanalo nitong 2022 Election, ngunit hindi agad naiproklama dahil mayroong nakabinbing petisyon noon sa registration bilang party-list group.

Facebook Comments