Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya ng walong mag-aaral na namatay sa aksodente sa Boljoon, Cebu nitong Huwebes.
Mayroon ding isang magulang na kumpirmadong patay habang Labing dalawa namang estudyante ang nagtamo ng galos at konting pasa ang pinayagan nang makauwi.
Kabuuang 39 na mga mag-aaral mula sa Nangka at San Antonio Elementary Schools, kasama ang dalawang magulang at dalawang guro ang bumiyahe patungo sa kanilang district athletic meet.
Sakay ang mga ito ng mini dump truck nang madisgrasya sila, dahil biglang nawalan ng preno ang kanilang sasakyan at nahulog sa bangin.
Agad namang nagbigay ang DepEd ng tulong sa mga biktima at nag-isyu na din ang regional office ng memorandum sa mga field unit upang umapela para sa karagdagang tulong pinansyal.
Nananawagan din ang DepEd sa partner government agencies at local government units (LGUs) na tiyakin ang kaligtasan ng mga daan at sasakyan upang maiwasan ang kaparehas na insidente.