Wala munang online class sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020.
Ito ang paglilinaw ngayon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) dahil batid nila na hindi pa lahat ay handa na para sa online learning.
Iginiit niya na wala dapat ipagalala ang mga magulang dahil sa pagsisimula ng klase sa Agosto 24, ang modular learning ang unang ipatutupad.
Kaya naman anya, minamadali na nila ang produksyon ng learning materials na ipamamahagi sa mga mag-aaral sa unang araw ng School Year 2020-2021.
Pero hindi pa sinabi kung papaano ito gagawin dahil hanggang ngayon, kanila pa itong pinaplano.
Subalit sinabi nito, hindi dapat pumunta ang mga bata at guro sa paaralan sa unang araw ng pasukan dahil mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face learning sa buong bansa upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.
Gayumpaman, ipatutupad lang aniya ang online education sa mga paaralan at mga estudyante na handa na para rito.