Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education na ang tanging isasailalim sa random drug sampling test ay mga high school students lamang.
Ginawa ang pahayag ni DepEd Asec. Tonisito Umali kasunod narin nang mungkahi ng Philippine National Police na dapat mag karoon ng pagsusuri sa mga estudyante matapos masangkot sa iligal na droga ang ilang mag-aaral.
Ayon kay Asec. Umali base sa Department order na ipinalabas ni DepEd Sec. Leonor Briones ang mga high school students, guro at iba pang kawani ng ahensya ang isasalang sa mandatory drug testing.
Sa ngayon wala pang tiyak na petsa kung kailan isasagawa ang drug test.
Pero siniguro ni Umali na ngayong school yr. 2017 ay maisasakatuparan ang random drug test.
Paliwanag pa ni Umali na mananatiling confidential ang resulta ng drug test at hindi rin ipapahiya ang sangkot na estudyante.
Hindi rin aniya ito magiging batayan para masipa sa paaralan ang isang estudyante.