Gerald Anderson, takot na mawala ang popularidad sa showbiz

Showbiz – Inamin ngayon ng aktor na si Gerald Anderson na natatakot siyang dumating ang araw na mawala ang popularidad niya bilang artista.

Ayon kay Gerald, nagpapakatotoo lamang siya dahil malaki daw ang naitulong nito sa kanyang personal at propesyunal na buhay.

2009 nang magkaroon si Gerald ng break sa showbiz at dito niya rin na-realize na mahal niya ang industriya na pinasok at ang pag-arte ang kanyang nais na maging propesyon hanggang sa pagtanda.


Pangarap rin daw ni Gerald na umarte “for life” at mag-produce ng sarili niyang pelikula sa mga darating na panahon.

Facebook Comments