DepEd, pinakapinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno ayon sa PTI

Ikinagalak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang pagkilala ng Philippine Trust Index (PTI) bilang pinagkatitiwalaan na ahensiya ng gobyerno base na rin sa isinagawang 2021 research ng EON group.

Ang naturang index, kung saan sinukat ng EON group ang lebel ng tiwala ng publiko sa kagawaran sa kasagsagan ng pandemya kung saan nakasungkit nito ang 91% trust rating kung saan ito ang pinakamataas na rating sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ayon sa DepEd, hindi umano maisakatuparan ang naturang pagkilala kung walang pagsisikap ng mga guro na malaking kontribusyon sa tagumpay ng pagpatutupad ng Basic Education – Learning Continuity Plan.


Paliwanag ng Deped, ang naturang sukatan ay malaking hamon sa Kagawaran sa nararanasang pandemya at ang tiwala ng publiko ay nakadepende para matiyak na lahat ng mga programa ng Deped ay tunay na may kaugnayan at epekto sa buhay ng bawat Filipino.

Giit ng DepEd na nakatuon ang kanilang mga polisiya at programa sa isang kalidad na edukasyon para sa kanilang mga mag-aaral.

Facebook Comments