DepEd, pinuri ang mga mag-aaral na nag-uwi ng gintong medalya sa Young Inventors Journal sa Malaysia

Nagpaabot ng pagbati ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral ng Alabel National Science High School.

Ito ay matapos nilang masungkit ang gintong medalya para sa kanilang policy paper na pinamagatang “How to Rebuild a Better World Post-COVID-19?” sa Young Inventor’s Journal (YIJ) ng Association of Science, Technology, and Innovation na ginanap sa Malaysia.

Mula sa 100 entries ng iba’t ibang bansa, ang grupo nina Paul John Delos Reyes, Pearl Angeli Santander, Krystelle Ferrer, Darlene Sarabosquez at Natasha Loot ang natatanging grupo mula sa Pilipinas na nakapasok sa Top 10 at kalaunan ay naiuwi ang gintong medalya mula sa naturang kompetisyon.


Ang policy paper na binuo ng grupo ay tungkol sa curriculum at pedagogical transformation habang isinasaalang-alang ang porma ng edukasyon ngayong pandemya.

Facebook Comments