DEPED REGION 1, IMINUNGKAHING GANAPIN NANG MAS MAAGANG ORAS ANG END OF SCHOOL YEAR RITES

Iminungkahi ng Department of Education Region 1 ang mas maagang oras ng gaganaping End of School Year Rites saga paaralan ngayong taon.

Ayon Kay Johnson Sunga – Education Program Supervisor ng DepEd Region 1, hindi umano maipagkakaila ang mataas na heat indices na naitatala sa rehiyon dahilan upang lubos na pagplanuhan ang isasagawang programa.

Nauna nang tiniyak ng kagawaran ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga aktibidad sa nararanasang mainit na panahon.

Iginiit din ng tanggapan na hindi dapat gamitin ng mga kandidato ang okasyon para makapag kampanya base na rin sa regulasyon na inilabas ng COMELEC.

Samantala, mahigpit din ang pagpapatupad ng ‘No Collection Policy’ tuwing graduation rites dahil alokasyon ng pondo ang DepEd. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments