Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na mayroong mga pribadong paaralan ng bansa ang maaaring magsara dulot ng masamang epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ekonomiya ng bansa.
Batay sa tala ng nasabing kagawaran, sa 14,435 na kabuuang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa, 748 nito ay pansamantalang ititigil ang operasyon ngayong School Year.
Dahil dito, tinatayang 3,233 na mga guro at 40,345 naman na mga estudyante sa buong bansa ang maaaring maapektuhan ng pagsasara ng mga pribadong paaralan.
Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ito ay pansamantala lang o ngayong School Year lamang.
Pero umaasa naman siya na kung gumanda ang takbo ng ekonomiya sa bansa, maaaring hindi na matuloy ang pagsasara ng mga pribadong paaralan.