DepEd, tatanggap ng early registrants hanggang katapusan ng Mayo

Patuloy na tatanggap ang Department of Education (DepEd) hanggang sa katapusan ng Mayo ng mga mag-aaral na nais lumahok sa Early Registration para sa nalalapit na school year.

Ayon kay Education Undersecretary for Human Resources and Organizational Development Jesus Mateo, naiintindihan nila ang kasalukuyang sitwasyon.

Nais nilang mabigyan ang mga magulang at mga estudyante ng dagdag na panahon para makaparehistro.


Dahil sa nararanasang health crisis, inatasan ng DepEd ang mga eskwelahan na magsagawa ng remote early registration, o sa pamamagitan ng online o text.

Sa mga low risk areas, ang physical registration sa mga eskwelahan at barangay ay maaaring payagan basta nasusunod ang health at safety protocols.

Batay sa Early Registration Monitoring Report mula nitong April 27, umabot na sa 3,514,550 learners sa buong bansa sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 ang nakarehistro sa nalalapit na school year.

Facebook Comments