DepEd, tiniyak sa LGUs na may pagkukunan ng pondo para sa Basic Education-Learning Continuity Plan para sa SY 2020-2021

Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla na nire-align nila ang pondo ng kagawaran upang maipatupad ang Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) para sa School Year 2020-2021.

Aniya, ito ay dahil ang pondo ng DepEd ngayong 2020 ay nakadesenyo para sa traditional classes.

Subalit aniya sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating sa bansa ang COVID-19, kaya naman babaguhin ito at iaayon sa kung ano pangangailangan ng bansa kaugnay sa pang-edukasyon.


Kasabay nito, tinyak niya ang sa Local Government Units (LGUs) ng bansa na huwag mag-aalala dahil may pondo ang DepEd para maipatupad ng maayos ang bagong pamamaraan ng pagtuturo sa susunod na pasukan.

Isa na rito ang Special Education Fund ng LGUs mula sa real property tax na nakokolekta ng gobyerno.

Maliban dito aniya, may pondo rin na mula sa Programs, Activities, and Projects (PAPs), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), Official Development Assistance (ODA), Enhanced Brigada Eskwela and maximized private sectors contributions at supplemental budget mula sa Department of Budget and Management (DBM) o mula sa Kongreso.

Facebook Comments