Patuloy na binibigyang-diin ng Department of Education o DepEd ang kahalagahan ng sapat at angkop na reproductive health education para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng mga hakbang upang makatulong sa pag-iwas sa teenage pregnancy.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Shaila Pearl De Guzman, isang estudyante ng Mangaldan National High School, sinabi niyang makatutulong ang reproductive health education upang mabigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang kalusugan at mga usaping may kaugnayan sa maagang pagbubuntis.
SOT: Shaila Pearl De Guzman
Samantala, sinabi ni Eduardo B. Castillo, Principal IV ng Mangaldan National High School, na sakaling magkaroon ng sex education curriculum sa kanilang paaralan, maaari itong makatulong upang mabigyan ang mga mag-aaral ng sapat at angkop na kaalaman tungkol sa reproductive health.
Aniya, maaari rin itong magsilbing panimulang hakbang upang mas maunawaan ng mga estudyante ang iba’t ibang usaping may kaugnayan sa kanilang kalusugan at makatulong sa pag-iwas sa teenage pregnancy.
SOT: Eduardo B. Castillo, Principal IV
Binigyang-diin naman ni Castillo na nananatiling pangunahing prayoridad ng paaralan ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Kabilang dito ang pagbibigay sa kanila ng sapat at angkop na kaalaman upang makagawa ng responsable at maingat na mga desisyon tungkol sa kanilang kalusugan.
Layunin ng mga hakbang na ito na makatulong sa kabataan sa pagharap at pag-iwas sa mga suliraning maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan, kabilang na ang teenage pregnancy. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










