Depensa ng Malakanyang sa kasong isinampa laban kay Pangulong Duterte sa ICC, kasado na

Manila, Philippines – Kasado na ang depensa ng Malakanyang sa kasong isinampa ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon Presidential Spokesman Ernesto Abella – ipinaubaya na ito ng Malacañang kay Solicitor General Jose Calida.

Una rito, sinampahan ng mga kasong ‘crime against humanity’ at ‘mass murder’ ang Pangulo dahil sa umano’y extra judicial killings sa bansa bunsod ng war on drugs.


Pero ayon kay Calida, hindi pa nakararating sa kanilang tanggapan ang kopya ng naturang reklamo.

Aniya, kapag may nakita nang batayan ang ICC para isulong ang kaso ay saka lamang magtatalaga ang kanilang hanay ng mga hukom na hahawak dito.

Una nang sinabi ng malacañang na labis nitong ikadidismaya sakaling dinggin ng ICC ang naturang reklamo.
DZXL558

Facebook Comments