15 sibilyan, patay sa pamamaril ng isis sa Mosul, Iraq

Iraq – Patay ang 15 sibilyan sa pag-atake ng Jihadist militants mula sa grupong Islamic State sa Central Mosul, Iraq.

Ayon sa ulat ng joint operations command – suot ang police uniforms, nagpanggap na mga pulis ang mga miyembro ng ISIS saka nagtungo sa Mosul para kunwari ay ipakita ang kanilang suporta sa federal forces.

Matapos ang mainit na pagsalubong ng mga residente ng Mosul, bigla umanong inaresto ang mga ito saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.


Karamihan sa mga nasawi ay kababaihan at mga bata.
DZXL558

Facebook Comments