Deployment cap ng mga Filipino healthcare workers sa abroad, tinaasan ng IATF

Mula 5,000, itinaas ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa 6,500 ang bilang ng mga Filipino healthcare workers na maaaring ipadala ng Pilipinas sa ibang bansa.

Ang desisyon ay kasunod ng abiso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong June 1 na naabot na ang 5,000 cap kung kaya’t hindi na muna ito magpoproseso at mag-iisyu ng overseas emloyment certificates para sa mga bagong hire.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan lamang makaalis ng bansa ang mga healthcare workers na may kontrata hanggang May 31.


Habang hindi nito sakop ang mga healthcare workers na mayroong government-to-government labor agreements.

Enero a-uno nang limitahan ang bilang ng mga ipinapadalang healthcare workers abroad upang matiyak na sapat ang bilang ng mga doktor at nurse sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments